ABSTRACT OF THE THESIS
The role of Filipino Women's Context of First Birth on their Fertility and Socioeconomic Situation
by Angelique F. Ogena (2016)
ABSTRACT
In the Philippines, society expects a typical family consisting of a married father and mother, and having children. Within this setup, the more favorable assumption is that the children are born within the marriage rather than outside of it. However, the growing number of nonmarital births in the country signifies that this view has been changing over time. Such case is alarming since nonmarital childbearing in other countries was found to be associated with several adverse outcomes on the mother and the child born out-of-wedlock, which could well be the case in the Philippines. In this light, this study examines the association between women’s context of first birth that is, whether their first birth was within a formal marriage or not, and their subsequent fertility and socioeconomic situation. Univariate, bivariate, and binary logistic regression analyses of the nationally representative 2013 National Demographic and Health Survey (NDHS) dataset were employed to examine this association. Specifically, the study employed data from women 25 years old and over whose live first birth occurred at least five years prior to the survey.
Results reveal that one in four women have had a nonmarital first birth and that women with such births are significantly different from their counterparts who were formally married at the time of first birth in terms of selected background, fertility, and socioeconomic characteristics. On average, mothers with nonmarital first birth gave birth significantly earlier (x ̅ = 19.7 years old) than their marital counterparts (x̅ = 23.0 years old). Nearly half (48.5%) of mothers with out-of-wedlock first births eventually entered a formal marriage. This proportion is significantly higher for women who were below 20 years old at first nonmarital birth compared to women who were at least 20 years old at first nonmarital birth (65.4% vs. 26.4%, respectively). In terms of fertility, women with nonmarital first births have significantly more children (x̅ = 3.8) than their marital counterparts (x̅ = 3.4). The same pattern holds true for women who were below 20 years old at first birth (x̅ = 6.1 vs. x̅ = 5.1) but not for women who first gave birth beyond their teens (x̅ = 2.8 vs. x̅ = 3.2). Among women who had their first birth when they were teens, those who gave birth outside marriage have 0.3 more children compared to women who were married when they gave birth. On the other hand, among women who first gave birth beyond their teen years, those who had a nonmarital birth have 0.2 to 0.4 less children than their marital counterpart. Contrary to most findings, a nonmarital first birth does not necessarily decrease the likelihood of a woman to have work and to be non-poor. Based on the results of the study, recommendations for program and policy development and for further research were presented.
ABSTRAK
Sa Pilipinas, inaasahan ng lipunan na ang isang tipikal na pamilya ay binubuo ng isang ama at inang ipinagbuklod ng legal na kasal, at mga anak. Sa loob ng ganitong setup, ipinagpapalagay na mas mainam na ang mga anak ay ipinanganak sa loob ng panahon na kasal ang ama at ina. Gayunpaman, ang dumaraming panganganak sa labas ng isang legal na kasal sa bansa ay nagpapahiwatig na ang pananaw na ito ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Nakaaalarma ang ganitong kalagayan base sa mga pag-aaral sa ibang bansa na nagpapakita na ang panganganak sa labas ng legal na kasal ay may kaugnay na mga negatibong kinalabasan para sa ina at sa anak na ipinanganak na hindi kasal ang ina, na maaring kahalintulad na ng lagay sa ating bansa. Kung isasaalang-alang ang mga ito, sinusuri ng pag-aaral na ito ang kaugnayan ng konteksto ng unang panganganak ng mga kababaihang Pilipino, kung ang panganganak ay naganap sa loob o sa labas ng isang legal na kasal, at ng kanilang fertility at mga sosyo-ekonomikong kalagayan. Univariate, bivariate, at binary logistic regression na pagsusuri ng 2013 National Demographic and Health Survey (NDHS) ang mga ginamit upang kilatisin ang kaugnayang ito. Partikular na ginamit ng pagaaral ang datos ng mga kababaihang edad 25 taong gulang pataas na unang nanganak labas sa limang taong palugit bago sa petsa ng panayam o survey.
Ayon sa resulta ng pag-aaral, isa sa apat na kababaihan ang nakararanas ng unang panganganak sa labas ng legal na kasal, at lubos na naiiba ang kanilang katangiang may kaugnayan sa fertility at sosyo-ekonomiko kumpara sa katangian ng mga kababaihang unang nanganak nang sila ay kasal na. Ang mga out-of-wedlock na ina ay karaniwang higit na mas maagang nanganganak (x̅=19.7 taong gulang) kumpara sa mga babaeng ang unang panganganak ay naganap noong sila ay kasal na (x̅ = 23.0 taong gulang). Halos kalahati (48.5%) ng mga out-of-wedlock na ina ay nagpakasal rin. Ang proporsyon na ito ay higit na mataas para sa mga babaeng mas bata pa sa edad na 20 nang sila ay unang nanganak sa labas ng kasal kumpara sa mga babaeng edad 20 pataas sa unang panganganak sa labas ng kasal (65.4% vs. 26.4%). Ang mga kababaihang hindi pa kasal sa unang panganganak ay nagkaroon ng mas maraming anak (x̅ = 3.8) kumpara sa mga babaeng kinasal muna bago manganak (x̅ = 3.4). Gayundin para sa mga babaeng mas bata sa edad 20 sa unang panganganak (x̅ = 6.1 vs. x̅ = 5.1) ngunit hindi sa mga babaeng unang nanganak sa edad 20 pataas (x̅ = 2.8 vs. x̅ = 3.2). Sa mga kababaihang unang nanganak noong sila ay teenager pa lamang, mas marami ng 0.3 ang bilang ng anak ng mga nanganak sa labas ng isang legal na kasal kumpara sa mga babaeng kasal na nang sila ay unang nanganak. Sa kabilang dako, sa mga kababaihang edad 20 pataas sa unang panganganak, mas mababa ng 0.2 hanggang 0.3 ang bilang ng kanilang mga anak kumpara sa mga unang nanganak noong sila ay kasal na. Taliwas sa resulta ng karamihan ng mga pananaliksik, ang unang panganganak sa labas ng isang legal na kasal ay hindi nangangahulugang magkakaroon ng mas mabababang pagkakataong makakuha ng trabaho at maging mariwasa sa buhay ang isang babae. Katuwang ng mga resultang ito ang paglalahad ng mga mungkahing kaugnay sa pagbuo ng mga programa at polisiya, maging mga mungkahi para sa mga gawaing magpapalawig pa sa naturang pananaliksik.